Opisyal ng LGU, ligtas sa ambush
- BULGAR
- Jul 21, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 21, 2022
BATANGAS—Isang opisyal ng local government unit (LGU) ang nakaligtas sa ambush kamakalawa sa Bgy. Anastacia, Sto. Tomas City.
Ang biktima ay nakilalang si City Administrator Severino Medalla ng nasabing lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, lulan si Medalla ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo.
Nabatid na pinalad na hindi tinamaan ng bala si Medalla.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments