Online scammer, gumagala
- BULGAR
- Feb 13, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Pebrero 13, 2023
AKLAN—Isang online scammer ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad dahil sa pang-i-scam sa isang online buyer kamakalawa sa bayan ng Tangalan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rendel Gonzales, nasa hustong gulang, samantalang hindi na muna pinangalanan ang suspek hangga't hindi ito nadadakip ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, bumili si Gonzales ng mga produktong ibinebenta ng suspek na naka-post sa social media, pero matapos umanong maibigay ang bayad sa pamamagitan ng GCash ay blinock na ng online scammer ang biktima.
Dahil hindi na ma-contact ng ni Gonzales ang suspek kaya nagpasya na itong ireklamo ang online scammer.
Sa ngayon ay naglunsad na ang mga awtoridad ng manhunt operation para mahuli ang suspek.



Comments