top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

One-strike policy sa palpak na pulis, ipatupad!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2023
  • 1 min read

@Editorial | March 12, 2023



Sunud-sunod ang mga karumal-dumal na krimen at talamak din ang mga ilegal na gawain.


Ang tanong tuloy ng taumbayan, may batas pa ba? Nasaan ang mga tagapagpatupad nito? Tila umano natutulog sa pansitan at nalulusutan ng mga kriminal.


Kaugnay nito, inihihirit ang panukalang pagpapatupad ng one-strike policy para sa mga pulis na nabigong pigilan ang mga ilegal na aktibidad sa kanilang nasasakupan.


Sa pamamagitan ng one-strike policy, matitiyak na seseryosohin ng lahat ng pulis ang kanilang trabaho at mananagot sa anumang kapalpakan. Ito ay magsisilbing babala sa mga parak na maging mapagmatyag at responsable sa kanilang mga tungkulin.


Ang mga pulis ang inaasahang mangunguna sa kapayapaan at kaayusan ng pamayanan.


Sila ang tagapagpatupad ng batas at takbuhan ng mga nangangailangan at naabuso.


Kapag may isang bulok, hindi imposible na mahawa rin ang iba.


Kaya sa kapulisan, sa halip na gumawa ng ilegal o protektahan ang mga abusado, ipatupad natin ang batas nang patas. Isapuso at isabuhay natin ang tungkuling sinumpaan sa bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page