top of page
Search
BULGAR

Oks lang mapagod, pero ‘wag susuko... Tips para maging motivated sa buhay

ni Mabel Vieron @Life & Style | August 22, 2024



Oks lang mapagod, pero ‘wag susuko... Tips para maging motivated sa buhay

Nawala na rin ba ang excitement mo sa mga bagay na paulit-ulit mong ginagawa? At na-feel mo na rin ba na parang ‘di ka na naggo-grow? ‘Yun bang dahil sa paulit-ulit mong ginagawa sa araw-araw ay parang pagod ka na, at ramdam mong na-stuck ka na lang sa ganu’ng routine?


Once na makaramdam tayo na parang na-stuck na lang tayo sa isang sitwasyon o bagay, maaari itong humantong sa feeling of unhappiness, confusion, hopelessness at insecurity.


Anu-ano nga ba ang mga dapat gawin kapag nakakaramdam tayo ng parang stuck o trapped tayo sa ating routine?


  1. MAGBALIK-TANAW AT ALAMIN ANG SAGOT. Madalas, kahit nakakaramdam tayo na tila na-stuck tayo sa isang sitwasyon o routine, pinipilit pa rin nating mag-move. Sabi nga ni Albert Einstein, “No problem can be solved from the same level of consciousness that created it,” so, kailangan mong mag-isip ng iba kung paano ka nagsimula.


Alalahanin mo kung paano ka nag-start, paano ka napunta sa ganyang sitwasyon at kung ano talaga ang gusto mo. Tanungin mo rin ang iyong sarili kung bakit ka nga ba nariyan, ano ang dahilan kung bakit mo pinasok ‘yan at ano ang gusto mong ma-achieve, at ma-accomplish? Kung ire-remind mo ang sarili mo sa orihinal na intensiyon at purpose mo, maaari kang magkaroon ng motivation para magpatuloy o magsimula ng panibagong yugto ng buhay.


  1. ALAMIN ANG PROBLEMA. Mahirap mag-move forward kung hindi mo alam ang dahilan kung bakit nararamdaman mong na-stuck ka na lang sa isang sitwasyon. 


Puwede kasing nagsasawa ka na, napapagod, nape-pressure o may iba ka nang gustong gawin. Sabi nga, “you must name it to tame it.” Ayon din sa isang personal development expert na si Tracy Kennedy, “A well-defined problem presents its own solution”.


  1. MAGLIWALIW. Minsan, feel nating naii-stuck tayo sa isang routine kung feeling natin ay ‘no choice’ tayo kundi gawin ‘yun na parang wala nang ibang options maliban kung humanap ng bago. 


Pero puwede namang mag-brain break o mag-unwind dahil makatutulong ito para ma-refresh ang ating isipan at magkaroon ng new perspective.


Hindi ang pagbitiw sa kung ano ang meron ka ngayon ang palaging solusyon. Sa isang relasyon, minsan, kinakailangan natin ng “space” para linawin sa sarili natin kung saan ba patungo ang relationship ninyo. Gayundin, sa ibang aspeto ng buhay.


‘Ika nga, parang laro ang buhay. Start a new game, take a pause ‘pag pagod ka na, resume kapag gusto mo pang magpatuloy. Minsan, pakiramdam natin ay nananalo tayo at minsan naman ay natatalo. Pero kapag natalo, nasa atin kung pipiliin natin ang mag-new game ulit o pumili na ng ibang laro. Gets mo?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page