top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

OFW nilikida ng gunman

BULGAR
Nov 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 14, 2022


COTABATO CITY—Isang dating OFW ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Poblacion 6.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilala ng pulisya na si Anoria Manabilang, 38-anyos, nakatira sa Bgy. Poblacion 7 sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Manabilang sa nasabing lugar ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang salarin.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page