Search
  • BULGAR

Obyus na hindi si Bea o si Julia… GERALD, NAG-POST NG PIKTYUR NA MAY KA-HOLDING HANDS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 30, 2020




Viral sa Instagram ang larawang ipinost ni Gerald Anderson kung saan may kasama siyang babae na kahawak niya ng kamay pero malayo ang kuha at pareho silang nakatalikod kaya naging pahulaan kung sino ito.


Ang caption niya sa photo ay: “Treating each and every moment, no matter how challenging -- as something to be embraced, not avoided. To not only be ok with it, but love it and be better for it. So that like oxygen to a fire, obstacles and adversity become fuel for your potential.”


Base sa mga netizens, malamang daw ay si Bea Alonzo ang kasama ng aktor dahil ang mensaheng nakalagay ay swak sa ex-GF ni Gerald.


May nagsasabi namang si Julia Barretto ang kasama ng aktor.


Komento ng ilang netizens, “Parang mas may thrill kay Gerald 'yung mga ganyang you & me against the world na relasyon. Same sa sitwasyon with Maja (Salvador), Sarah (Geronimo) at kung papa'no sila nagsimula ni Bea.”


Kung kami ang tatanungin, parang ang layo sa nabanggit na dalawang aktres ang larawan ng babae.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.