Nurse, timbog sa shabu

@Balitang Probinsiya | November 5, 2020
NORTH COTABATO—Isang nurse ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Poblacion 6, Midsayap.
Nakilala ang suspek na si Julius Caesar Duque, residente ng Bgy. Poblacion 4 sa nasabing bayan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa naturang barangay at nang maglabas ng shabu si Duque ay dito na ito inaresto ng mga awtoridad.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Duque na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments