top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

NPA, todas sa engkuwentro

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 22, 2023


CAMARINES SUR -- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Salvacion, Ragay sa lalawigang ito.


Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Nabatid na habang nagpapatrulya ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) at ng pulisya ay nasalubong nila ang isang grupo ng mga NPA kaya agad nagbarilan ang magkabilang-panig.


Napag-alaman na sa palitan ng putok ng mga baril ay tinamaan at nasawi ang isang miyembro ng NPA kaya mabilis na tumakas ang iba pang komunista.


Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng NPA.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page