NPA, todas sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | April 20, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista, kamakalawa sa Bgy. Quintin Remo, Moises Padilla sa lalawigang ito.
Ang napatay na komunista ay kinikilala pa ng mga awtoridad.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga armadong lalaki na gumagala sa nasabing barangay kaya agad rumesponde ang mga sundalo ng Philippine Army (PA), at dadakpin na sana ang mga komunista pero pinagbabaril ng mga suspek ang mga kawal ng pamahalaan.
Ayon sa ulat, nakaganti agad ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang isang komunista.
Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng NPA.



Comments