top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

NPA, tepok sa engkuwentro

Writer: BULGAR
BULGAR
May 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 2, 2023


NEGROS ORIENTAL—Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay at isang rebelde ang naaresto sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista, kamakalawa sa Bgy. Budlasan, Canlaon City sa lalawigang ito.


Ang napatay na NPA ay kinilalang si Anthony Curson alyas "Ka Miguel" samantalang ang nadakip ay si Leonido Montero, alyas "Ka Dindo", kapwa miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga armadong lalaki na gumagala sa nasabing barangay kaya agad rumesponde ang mga sundalo at pulisya, at dadakpin na sana ang mga NPA pero pinagbabaril ng mga suspek ang mga kawal ng pamahalaan.


Ayon sa ulat, nakaganti agad ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay si Curson, samantalang naaresto naman si Montero.


Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng NPA.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page