top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

NPA, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 23, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 23, 2023



BATAAN -- Isang miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Hermosa sa lalawigang ito.


Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumurender na komunista na nag-o-operate sa lalawigan.


Nabatid na isinuko rin ng NPA ang dala niyang armas, bala at subersibong dokumento sa mga awtoridad.


Sinabi ng sumukong komunista na nais na niyang magbagong-buhay kaya nagpasya siyang magbalik-loob sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang NPA upang mabatid kung bukal sa kanyang kalooban ang pagsuko sa gobyerno.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page