NPA, sumurender
@Balitang Probinsiya | April 25, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang miyembro ng komunistang New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan, kamakalawa sa Bgy. Kapitan Ramon, Silay City sa lalawigang ito.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ang sumukong NPA member.
Nabatid na isinuko rin ng komunistang NPA ang dala niyang mga subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng sumukong komunista na nais na umano niyang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob siya sa pamahalaan.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista.



Comments