NPA, sumuko
@Balitang Probinsiya | July 7, 2023
CAPIZ -- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na nag-o-operate sa Zambales ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Pontevedra sa lalawigang ito.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumurender na komunista.
Nabatid na isinuko rin ng NPA member ang dala niyang armas, bala at subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng sumukong komunista na nais na niyang magbagong-buhay kaya nagpasya siyang umalis sa Zambales at umuwi sa Capiz at dito magbalik-loob sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang NPA member upang mabatid kung bukal sa kanyang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.



Comments