NPA sumuko
@Balitang Probinsiya | Pebrero 13, 2023
PAMPANGA—Isang miyembro ng komunistang New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa San Fernando City sa lalawigang ito.
Ang sumuko ay kinilala sa alyas na "Ka Jack", miyembro ng NPA na nag-o-operate sa Zambales.
Nabatid na isinuko rin ng komunistang NPA ang dala niyang armas,bala at mga subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Sinabi ng sumukong komunista na nais na umano niyang magbagong--buhay kaya sumuko siya sa pamahalaan.
Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang sumukong komunista.



Comments