NPA, patay sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | June 29, 2023
ZAMBOANGA DEL SUR -- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Sunop, Dumingag sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na NPA, na nag-o-operate sa lalawigan.
Nabatid na habang nagpapatrulya ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) ay nasalubong nila ang isang grupo ng mga NPA na agad nagbarilan ang magkabilang-panig.
Napag-alaman na tinamaan at napatay ang isang miyembro ng NPA nang maganap ang engkuwentro, kaya mabilis na tumakas ang iba pang komunista.
Patuloy na tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na mga miyembro ng NPA.



Comments