top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

NPA, patay sa engkuwentro

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 12, 2023



CAMARINES SUR -- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Antipolo, Iriga City sa lalawigang ito.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may mga armadong lalaki na gumagala sa nasabing barangay kaya agad rumesponde ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) at pulisya. Dadakpin na sana ang mga komunista pero pinagbabaril ng mga suspek ang mga operatiba ng pamahalaan.


Ayon sa ulat, nakaganti agad ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang isang NPA, subalit nakatakas ang iba pang komunista.


Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng NPA.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page