top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

NPA official, todas sa engkuwentro

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 17, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 17, 2020



ZAMBOANGA DEL NORTE—Isang opisyal ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga terorista kamakalawa sa Bgy. ZNAC, Tampilisan.


Kinilala ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Leonardo Nabong, alyas Ka Otik, deputy secretary ng NPA nakabase sa nasabing lalawigan.


Nabatid na nagpapatrulya ang mga sundalo ng 44th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) nang tambangan sila ng mga terorista at dahil dito gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay si Nabong.


Nang makitang napatay si Nabong ay mabilis na tumakas ang mga tauhan nitong terorista.


Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na NPA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page