top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

NPA official, sugatan sa engkuwentro

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 26, 2023


MASBATE -- Isang opisyal ng New People’s Army (NPA) ang sugatan sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Jagnaan, San Jacinto sa lalawigang ito.


Kinilala ang sugatang opisyal ng NPA na si Ramon Bartolata, nasa hustong gulang at commander ng Kilusang Larangang Gerilya ng NPA-Sub Regional Committee na nakabase sa nasabing lalawigan.


Nabatid na habang nagpapatrulya ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) at mga tauhan ng pulisya ay nasalubong nila ang isang grupo ng mga NPA kaya agad nagbarilan ang magkabilang-panig.


Napag-alaman na sa palitan ng putok ng mga baril ay tinamaan ng bala sa kaliwang hita si Bartolata kaya mabilis na tumakas ang iba pang komunista.


Dinala ng mga awtoridad si Bartolata sa ospital at kasalukuyan pang ginagamot.


Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng NPA.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page