top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

NPA, nakatakas sa raid

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 6, 2023



ILOILO—Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang nakatakas sa isinagawang raid o pagsalakay ng mga awtoridad kamakalawa sa kanyang bahay sa Bgy. Manaolan, Badiangan sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Reenor Lozanes, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na miyembro ng NPA si Lozanes at may mga baril at bala ito sa kanyang tahanan.


Sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng mga operatiba ang bahay ni Lozanes at dito

nakumpiska ang isang shotgun, isang .357 magnum at mga bala, pero nakatakas ang suspek.


Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip si Lozanes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page