top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

NPA na pumatay sa rebel returnee, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 5, 2023



SORSOGON—Isang aktibong miyembro ng New People's Army (NPA) na pumatay sa isang rebel returnee ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Pangpang, Sorsogon City sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Christian Hubilla, alyas Ka Laloy, miyembro ng NPA na nag-o-operate sa nasabing lalawigan.


Nabatid na inaresto ng mga operatiba si Hubilla dahil sa ginawa nitong pagbaril at pagpatay sa dating miyembro ng NPA na si Antonio Benzon nuong Pebrero 22, 2020.


Nabatid na nakita ng mga awtoridad si Hubilla na gumagala sa naturang barangay kaya agad itong dinakip.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page