top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

NPA na lolo, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 11, 2023


NUEVA ECIJA—Isang 62-anyos na lolo na miyembro ng komunistang New People's Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng General Natividad sa lalawigang ito.


Para sa kanyang seguridad, hindi na pinangalanan ang sumukong lolong komunista.


Ayon sa ulat, na isinuko rin ng lolong NPA ang dala niyang armas, mga bala at mga subersibong dokumento sa mga awtoridad.


Sinabi ng sumukong lolong komunista na nagsagawa na umano siya sa matagal na panahong pakikipaglaban sa gobyerno at nais na umano niyang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob siya sa pamahalaan.


Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang sumukong lolong komunista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page