NPA member, timbog sa hideout

@Balitang Probinsiya | December 18, 2020
PANGASINAN—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Mabilao, San Fabian.
Kinilala ang suspek na si Allan Rey Balanay, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa Cagayan.
Bukod kay Balanay ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang isa pang NPA na si Violeta Ricardo na kasama nitong pumatay sa biktimang si Jomar Alonzo noong 2016.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments