NPA member, patay sa engkuwentro
- BULGAR
- Sep 25, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 25, 2023
ILOILO -- Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Jayobo, Lambunao sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga miyembro ng NPA ang nangingikil sa mga residente sa naturang barangay.
Dahil dito, agad rumesponde ang tropa ng pamahalaan, pero bigla silang pinagbabaril ng mga komunista kaya napilitan ang mga ito na gumanti ng putok at napatay ang isang NPA.
Nang makita ng ibang komunista na napatay ang kasamahan nilang NPA ay mabilis silang tumakas at sa ngayon ay tinutugis pa sila ng tropa ng pamahalaan.



Comments