NPA member, nasakote
- BULGAR
- Nov 12, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 12, 2023
ILOILO -- Isang komunistang New People’s Army (NPA) ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa City Proper District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong double frustrated murder, double attempted murder at illegal possession of explosive.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ng suspek kaya agad nila itong sinalakay at dinakip dito ang naturang komunista.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang hulihin ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments