Notoryus na wanted, tiklo
@Balitang Probinsiya | October 24, 2022
CAVITE—Isang notoryus na most wanted ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Camachile 2, Gen. Trias.
Nakilala ang suspek na si Joel Dolorito, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder at frustrated murder sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments