top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Notoryus na wanted tiklo

BULGAR
Oct 21, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 21, 2022


ALBAY—Isang notoryus na most wanted ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Anislag, Daraga.


Pansamantalang itinago ng pulisya ang suspek sa alyas na Arnel, nasa hustong gulang habang iniimbestigahan pa ito.


Ayon sa ulat, matagal nang pinaghahanap ng pulisya ang suspek dahil sa kaso nitong attempted homicide, at kamakalawa lang ito natiyempuhang dakpin sa nabanggit na barangay.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page