Notoryus na wanted na kawatan, tiklo
@Balitang Probinsiya | January 10, 2021
Nueva Ecija—Isang notoryus na wanted na magnanakaw ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Fabian, Sto. Domingo.
Nakilala ang suspek na si Renato Santos, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya si Santos sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong 17 counts ng qualified theft.
Napag-alamang may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Santos kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nabanggit na barangay.



Comments