top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Notoryus na wanted, huli

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 24, 2023


MARAWI CITY — Isang notoryus na wanted criminal ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bangco sa lungsod na ito.


Ang suspek ay kinilala na si Karis Tomao, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong murder, frustrated murder at attempted murder sa Lanao del Sur.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Tomao kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip dito ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page