Notoryus na wanted, arestado
- BULGAR
- Apr 18, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | April 18, 2023
NEGROS ORIENTAL—Isang notoryus na wanted ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Budlasan, Canlaon City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jerry Montefalcon, nasa hustong gulang, miyembro ng New People's Army (NPA) at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder at illegal possession of firearms, ammunitions and explosives sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ni Montefalcon kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments