top of page
Search
  • BULGAR

Notoryus na tulak, todas sa shootout

@Balitang Probinsiya | Enero 23, 2024

DAVAO CITY -- Isang notoryus na drug pusher ang napatay sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Mandug sa lungsod na ito.

 

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Jeppy Eguia, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.

 

Napag-alaman na dadakpin sana ng pulisya sa drug-bust operation ang suspek, pero biglang nanlaban at pinagbabaril nito ang mga otoridad.

 

Dahil dito, gumanti ng putok ang mga operatiba na naging dahilan kaya napatay ang suspek.

 

Nakakumpiska ang mga otoridad ng ilang gramo ng hinihinalang shabu at baril sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page