Notoryus na tulak, tiklo
@Balitang Probinsiya | July 13, 2023
LAGUNA -- Isang notoryus na pusher ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu at isang baril kamakalawa sa Bgy. Pagsawitan, Sta. Cruz sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna ng mga awtoridad sa pangalang “Anthony,” nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad ay nakumpiska sa suspek ang 4 na gramo ng shabu, isang baril at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng pulisya sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition.



Comments