top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Notoryus na tulak, patay sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 14, 2023


QUEZON -- Isang notoryus na drug pusher ang napatay sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City sa lalawigang ito.


Ang napatay na suspek ay kinilalang si Armando Armiendo, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na lungsod.


Napag-alaman na dadakpin sana ng mga awtoridad sa drug-bust operation ang suspek, pero biglang nanlaban at pinagbabaril nito ang mga awtoridad.


Dahil dito, gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng hinihinalang shabu at baril sa pinangyarihan ng krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page