Notoryus na tulak nasakote
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 11, 2024
CAPIZ -- Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Santa Cruz, Ivisan sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Lelard Besa, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Tanza, Roxas City sa naturang lalawigan.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng umano’y shabu ang suspek kaya nagsagawa agad ng buy-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan kaya naaresto ang drug pusher.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng tatlong gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments