top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Notoryus na tulak, nasakote

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 07, 2023


NUEVA VIZCAYA -- Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bonfal Proper, Bayombong sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Frederick Castillo, 44, at nakatira sa Bgy. Don Mariano Marcos sa naturang bayan.


Nabatid na naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar nang pagbentahan niya ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Kusang sumama naman ang suspek nang dakpin siya ng pulisya sa nasabing barangay at ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page