Notoryus na tulak, nasakote
@Balitang Probinsiya | April 21, 2023
BATANGAS—Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Antipolo Del Norte, Lipa City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Romar Medrano, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, naaresto si Medrano sa drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments