Notoryus na tulak nasakote
@Balitang Probinsiya | December 23, 2022
BATANGAS—Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Sabang, Lipa City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Rocy Adaya, 31-anyos at residente ng nabanggit na lungsod.
Napag-alamang dinakip ng mga awtoridad si Adaya sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Adaya.



Comments