Notoryus na tulak, nasakote
@Balitang Probinsiya | November 13, 2021
ALBAY—Naaresto ang notoryus na drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Penaranda, Legazpi City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Doroteo Tan, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng illegal drugs ng suspek ay agad itong inaresto sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Tan.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments