top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Notoryus na rapist, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 20, 2023


SORSOGON -- Isang notoryus na rapist ang nadakip ng mga tauhan ng puli sa kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Cambulaga, Sorsogon City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ronald Jalmasco, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 3-counts ng kasong rape sa lalawigan.


Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni Jalmasco kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at nadakip ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng pulisya na ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page