top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Notoryus na rapist nasakote

BULGAR
Nov 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 17, 2022


SORSOGON—Isang wanted na notoryus na rapist ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Market Site, Donsol.


Nakilala ang suspek na si Antonio Orgela, 32-anyos, laborer at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 2-counts ng kasong rape sa lalawigan.


Napag-alamang may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek, kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad at dinakip ang rapist.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page