Notoryus na pusher todas sa shootout
@Balitang Probinsiya | March 15, 2023
MASBATE—Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Cataingan sa lalawigang ito.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Jose Francisco, 39, at residente ng naturang bayan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing barangay at nang akmang dadakpin si Francisco ay biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.
Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang mga awtoridad ng baril, mga bala at dalawang pakete ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.



Comments