top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Notoryus na pusher, todas sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 1, 2021



TAWI-TAWI—Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang pumalag at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Bintawlan, South Ubian.


Kinilala ng pulisya ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Winnie Basanon, nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na darakpin sana ng pulisya si Basanon sa drug-bust operation, pero biglang bumunot ng baril at pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.


Napag-alamang mabilis na nakaganti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.


Nakarekober ang pulisya ng baril, mga bala at ilang sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page