Notoryus na pusher, timbog sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | September 27, 2023
QUEZON -- Isang notoryus drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Ibabang Iyam, Lucena City sa lalawigang ito.
Ang nadakip na suspek ay kinilala ng pulisya na si Khristian Medina, nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay.
Napag-alaman na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay nang pagbentahan nito ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga.
Nakakumpiska ang pulisya ng 135 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments