Notoryus na pusher, timbog
- BULGAR
- Aug 15, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 15, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. 12, Bacolod City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya si Mark Jayvee Diarota, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na naaresto ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 60 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang susek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments