top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Notoryus na pusher, tiklo sa buy-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 8, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 8, 2024


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Caradio-an, Himamaylan City sa lalawigang ito.

 

Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga otoridad. 

 

Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng umano’y shabu ang suspek kaya nagsagawa agad ng buy-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan kaya naaresto ang drug pusher. 

 

Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng mahigit 43 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.

 

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page