Notoryus na pusher, tiklo
@Balitang Probinsiya | April 5, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Consing, E.B. Magalona sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Ricky Arquivel, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, naaresto si Arquivel sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments