Notoryus na pusher, nasakote
@Balitang Probinsiya | Ika-23 ng Pebrero, 2024
ILOILO -- Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Bakhaw, Mandurriao District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jeffrey Famindalan, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek nang pagbentahan nito ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng droga sa naturang barangay.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 60 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments