Notoryus na pusher, huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | April 25, 2023
BATAAN—Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Tipo, Hermosa sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jhef Calubay, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments