Notoryus na pusher, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | June 23, 2023
ILOILO -- Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Nabitasan, La Paz sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rogell Maglupay, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon si Maglubay sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments