Notoryus na pusher huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | Enero 7, 2023
AKLAN—Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Balete.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Daryl Manlapuz, 42-anyos, at residente sa nabanggit na bayan.
Napag-alamang dinakip ng mga awtoridad si Manlapuz sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Manlapuz.



Comments