Notoryus na pusher, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | November 02, 2020
Batangas—Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Marawoy, Lipa City.
Ang suspek ay nakilalang si Gerald Padura, nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na nagbebenta ng shabu si Padura kaya nagsagawa ng buy-bust operation at nang ilabas ng suspek ang ibinebenta niyang illegal drugs ay agad itong dinakip ng mga awtoridad.
Bukod sa sachet ng shabu at markadong pera ay nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments